Friday, July 31, 2009

Reasons Why You Are Still Single.



11. Destiny Adik

Eto yung mga naghihintay kay “destiny” na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “partner in life”. Ayannn! Kapapanood nyo ng “Serendipity” feeling nila ang nangyari sa movie ay mangyayari rin sa kanila. Such a cliche! Hindi ba nila alam na kung walang effort, destiny is useless?

10. Perfectionist

Mapili. Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong dapat ganito ang magiging kapartner ko. Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait – boring daw, gusto ng bad boy o kaya pilya pero kapag pinaiyak ka, tatanungin ka… “Bakit ang sama mo? Bakit mo nagawa yun!?”

Ayaw sa cute. Ayaw din naman sa panget. Meron dyan gusto ka pero ayaw mo naman. At yung nagugustuhan mo eh halos magtambling ka na para mapansin lang kaso deadma pa rin sa kanya ang mga stunts mo!

9. Busy-busyhan

Opo, eto yung ang mundo ay gumagalaw lang sa libro at ballpen kung estudyante ka, o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Aalis ng bahay ng alas 6 or 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 -8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho sa call center]. Sabay tulog na.

Kapag Sabado, masaya na sila sa Internet (o sa Multiply/Friendster), sa pagkain na niluluto ni mama at sa Linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan para sa lunes hanggang byernes.

8. Friendship Theory

Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend na sa loob ng mahabang panahon na pagsasama ay hindi masabi-sabi kay friendship ang nararamdaman dahil baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at baka iwasan sya.

Eto yung tipong pag may kasama si friendship na iba, nagseselos na kahit wala naman sa lugar. Pero syempre ayaw ipahalata, kunyari happy sya for friendship.

7. Born-to-be-one (Autistic)

Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta na lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang daw. Sus! Asa ka pang tatanggapin ka pa noh!

5. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo ay nasa ibang mundo ka. Yung mga nakakaharap mo ay mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam mo yun?

Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo eh yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman eh nasa sarili mong bayan ka nga at nasa normal na lipunan, pero ikaw naman ang abnormal! Hindi mo nakakayanan sabihin na abnormal din ang hanap mo. Hehe! Siempre dahil ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.

4. Wrong Time

Eto yung mga tao na sinasabi na “hindi pa ako ready eh, bata pa kasi ako” o kaya naman “hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang ipagmalaki.. “

Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon para sa love. Aww! Aba kelan naman kaya yun? Pag uugod-ugod ka na at yung time mo ay bitin na?

3. Si Parents Kasi!

Yes, factor din ang komunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf.

O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo. Aba! Ikaw ba naman ang sabihan na , “Alam mo hindi kayo bagay…langit at lupa kayo..”

2. Traumatic Experience

Eto kalimitan ang reason ng marami. “Ayaw ko na! Takot na ako mangyari pa ang nangyari dati!” O divah! Ang drama ng layp!

Eto yung dahil sa past relationship mo kaya ayaw mo na magkaroon ulit ng partner at sinumpa pa yata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil binugbog ka!

1. EX to the nth power

Aminin na! LOVE mo pa rin si Ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. Eto yung tipong ilang taon ang nakakalipas, hindi pa rin makalimutan si ex, dahil daw dun sa pinagsamahan, sa tawanan, sa iyakan, at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa.

Anoveh! Malungkot man o sa kung anumang kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyong magpaalam na sa isa’t isa. At give yourself a Kitkat, take a break!


(Got it from spam e-mail...)

0 comments: