Friday, July 31, 2009

Reasons Why You Are Still Single.



11. Destiny Adik

Eto yung mga naghihintay kay “destiny” na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “partner in life”. Ayannn! Kapapanood nyo ng “Serendipity” feeling nila ang nangyari sa movie ay mangyayari rin sa kanila. Such a cliche! Hindi ba nila alam na kung walang effort, destiny is useless?

10. Perfectionist

Mapili. Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong dapat ganito ang magiging kapartner ko. Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait – boring daw, gusto ng bad boy o kaya pilya pero kapag pinaiyak ka, tatanungin ka… “Bakit ang sama mo? Bakit mo nagawa yun!?”

Ayaw sa cute. Ayaw din naman sa panget. Meron dyan gusto ka pero ayaw mo naman. At yung nagugustuhan mo eh halos magtambling ka na para mapansin lang kaso deadma pa rin sa kanya ang mga stunts mo!

9. Busy-busyhan

Opo, eto yung ang mundo ay gumagalaw lang sa libro at ballpen kung estudyante ka, o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Aalis ng bahay ng alas 6 or 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 -8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho sa call center]. Sabay tulog na.

Kapag Sabado, masaya na sila sa Internet (o sa Multiply/Friendster), sa pagkain na niluluto ni mama at sa Linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan para sa lunes hanggang byernes.

8. Friendship Theory

Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend na sa loob ng mahabang panahon na pagsasama ay hindi masabi-sabi kay friendship ang nararamdaman dahil baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at baka iwasan sya.

Eto yung tipong pag may kasama si friendship na iba, nagseselos na kahit wala naman sa lugar. Pero syempre ayaw ipahalata, kunyari happy sya for friendship.

7. Born-to-be-one (Autistic)

Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta na lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang daw. Sus! Asa ka pang tatanggapin ka pa noh!

5. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo ay nasa ibang mundo ka. Yung mga nakakaharap mo ay mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam mo yun?

Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo eh yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman eh nasa sarili mong bayan ka nga at nasa normal na lipunan, pero ikaw naman ang abnormal! Hindi mo nakakayanan sabihin na abnormal din ang hanap mo. Hehe! Siempre dahil ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.

4. Wrong Time

Eto yung mga tao na sinasabi na “hindi pa ako ready eh, bata pa kasi ako” o kaya naman “hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang ipagmalaki.. “

Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon para sa love. Aww! Aba kelan naman kaya yun? Pag uugod-ugod ka na at yung time mo ay bitin na?

3. Si Parents Kasi!

Yes, factor din ang komunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf.

O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo. Aba! Ikaw ba naman ang sabihan na , “Alam mo hindi kayo bagay…langit at lupa kayo..”

2. Traumatic Experience

Eto kalimitan ang reason ng marami. “Ayaw ko na! Takot na ako mangyari pa ang nangyari dati!” O divah! Ang drama ng layp!

Eto yung dahil sa past relationship mo kaya ayaw mo na magkaroon ulit ng partner at sinumpa pa yata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil binugbog ka!

1. EX to the nth power

Aminin na! LOVE mo pa rin si Ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. Eto yung tipong ilang taon ang nakakalipas, hindi pa rin makalimutan si ex, dahil daw dun sa pinagsamahan, sa tawanan, sa iyakan, at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa.

Anoveh! Malungkot man o sa kung anumang kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyong magpaalam na sa isa’t isa. At give yourself a Kitkat, take a break!


(Got it from spam e-mail...)

Tuesday, July 28, 2009

Some Relationship Advice

I may not be the girl who doesnt knows to handle myself… Still… I know the things i should do and what to tell people ^^

The guy who loves his mom will be a good boyfriend. Why? Because if he
has high respect for his mother, he will have high respect for women.


Don’t give everything away. Leave some things a mystery. Guys love
conquest. If you already give your all, wala nang "something to look
forward to" sa relationship n’yo. And the guy will become "kampante".
Assure him of your love and faithfulness, but warn him too: "Umayos ka
diyan! You can lose me anytime…"

BIG PAGKAKAIBA:
What a girl needs most is love. What a guy needs most is respect.
The most important thing for a girl is her heart. For a guy its his ego.

Give your man his own time and space. Let him have his time for his
friends, sports, family, self, and God. The relationship will grow old
quickly if lagi kayong magkasama. Give him time to miss you and you’ll
see how he will love you more. If the guy naman is obsessed and just
wants to be with you all the time, tell him you cant respect a "puppy"
for long.

Do things differently anytime para kahit matagal na kayo, there is
always something fresh and new. Variety is the spice of life. Exciting
baga.

"Making love" is better than just "having sex". And true love "waits".
Save your precious "gift" on your wedding night. Di nagiging tama ang
mali, just because uso naman and everyone’s doing it. Be iba.

Discover something you both like to do and enjoy it TWO-gether. Doon
naman sa mga bagay na magkaiba ang hilig n’yo, compliment each other by
learning about it kahit konti. If you love someone, ‘yung effort n’yo to
try will go a looooong way to understanding him later pag may
disagreement kayo.

Pray with holding hands. Sounds corny, no? Maybe, but its very powerful.
Pag may takot sa Diyos ang boyfriend ,mo, kampante ka na di ka n’ya
lolokohin, because he knows God sees everything he does in secret. Ikaw
na ang magkusa that before you part after date, with hold hands and eyes
closed, pray to God to bless you two. Believe me it’s effective.
Kailanman, di corny ang magdasal.

Believe in "Magic". Kahit di minsan practical o walang logical na
dahilan, o matrabaho, o sounds crazy sa iba, do sweet little things for
the one you love kahit magmukha ka nang timang. The memories will be fun
to recall later in life. The corniest song o gift o letter (aminin mo)
ang laging kabog!

True love brings out the best in each other. Find something good in your
boyfriend and nurture it, encourage it, and syempre, ENJOY it.

It’s healthy to fight. Doon n’yo lang maaayos ang differences n’yo at
nate-test ang tatag ng relationship. Doon mo rin sya makikilala ng
mabuti. It’s called test of fire.

Di mahalaga how dalas you fight. What matters is how often you make bati.

Mas nakakatakot yung relasyong
sobrang perfect at laging masaya. One big fight and that’s it! And di ba
mas kilig ‘yung malambing na "Uy, bati na tayo…"

But don’t overdo it. Kakapagod naman din na lagi na lang manuyo o
magsori. Choose the battles na papatulan mo. The little issues,
palampasin na. Don’t sweat the small stuff.

Daraan sa iba’t ibang stages ang love especially pag matagal na kayo.
Grow with it. Don’t expect him to be like nu’ng una ‘coz like a student,
di na ituturo sa Grade 6 ‘yung lessons na pang-Grade 2. Change WILL
happen… you both will change and your love WILL change, too. It’s up
to you na lang if the change will be for the better or for the worse.

Life is about growth. Grow with it.

When breakup comes and it’s time to say goodbye, don’t doubt the love
just because it didn’t last. May mga bagay sa buhay na di man
nagtatagal, it doesn’t mean di na ito totoo. Some good things are just
never meant to last forever. Okay lang ‘yon. Bless the parting and move
on. (Mastery)

Expect tears, sorrow, sleepless nights, and pain. ‘Ika nga, "it’s when
you hurt the worse that you love the MOST." Kung di ka willing masaktan,
wag ka na lang magmahal. (Sapul! Tagos! Wasak! Patay!)

Life is a balance, and love is both holding on and letting go. Know when
to fight for your man and when to let him go. God will guide you kung
anong dapat gawin sa kung anong sitwasyon. So dapat mataas ang signal ng
langit sa cellfone ng puso mo to know His wisdom. (Sana mabasa mo ito….
oo, ikaw…)

Do things right. Di totoong masarap ang bawal gaya ng sabi ng iba. Kasi
may kabayaran ‘yon later. Corny ang madali. Paghirapan mong gawin ang
tama at totoo, and one day, ikaw rin ang aani ng bunga nito.

DATE IDEAS:

A walk in the park;
along the bay area watching the sunset;
biking sa big, open spaces;
stargaze at night sa ibabaw ng bubong;
jog at 5 a.m. and wait for the sunrise;
singing with a guitar (or a walkman)
under a tree shade sharing hopia and siomai (yikes!).

Wag lagi sa mall.
Involve nature. The best things in life pa rin ay free. Di kailangan
gumasta ng malaki para sumaya o maging romantic. Be creative.

Don’t NAG. Sabi ng don’t nag e! Sabi ko don’t nag, don’t nag, don’t
naaaaaaggg!!!

‘Yung effort, sa kahit anong gawain o effort mo ay laging two billion
ganda points ‘yan. Do little surprises every now and then PARA SO HAPPY
TWO-GETHER!

Honesty is the best policy. ‘ika nga ni Jimmy Santos.. Pero laging nasa
timing at paraan ng pagsasabi ang technique. Pag malumanay mong
sasabihin sa ‘kin na ipagpapalit mo na ako sa iba o papatayin mo na ko
sa sobrang gigil, Gosh! mato-touch pa ako! May lambing e! sabi nga sa
song.. break it to me gently..


I just got it from my friend... *Jeremy Zara*....